PHOTO//PALECO

Ni Ven Marck Botin

Posibleng plant shutdown ng Cuyo Diesel Power Plant (DPP) sinimulan kahapon, ika-22 ng Mayo, hanggang ika-4 ng Hunyo 2023, para sa isinasagawang “Test Commissioning Activity” at iba pa ng kontraktor ng PALECO upang bigay-daan sa pagsasaayos ng suplay ng kuryente sa nabanggit na bayan.

Sa liham ipinadala ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa PALECO Cuyo Satellite Office, ipinapaalam sa mga konsumidores sa lugar na ang nasabing shutdown ay bigay-daan sa isasagawang “RE: Supply, Delivery, Installation, Test and Commissioning Activity of 2 x 600kW contained Diesel Genset and Associated Electrical Equipment for Cuyo DPP”.

“Ing papaelam po sa tanang miyembro-konsumidores ig kamay-ari ang Paleco Cuyo na ang contractor ang Napocor ay aga katener y test and commissioning activity para sa andang mga bagong makina umpisa kapon, May 22 tegka y June 04, 2023. Ang sulat ang Napocor ay pangaman lamang na saben ag gulpi agkaroon y total blackout habang meng ubra ang contractor,” saad ng PALECO Cuyo Sattelite Office.

“Matamang salamat po sa indong pag intindi” dagdag ng ahensya.

Author