PHOTO//REPETEK

Ni Clea Faye G. Cahayag

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ผ๐˜ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฟ๐˜‚๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐˜€๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฏ๐—ฟ๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—˜๐—ฑ๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ฆ. ๐—›๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐—ฏ๐˜‚๐—ฑ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ฒ๐˜„ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐˜ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐˜๐—ฎ. ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ.

Sa panayam kay City Councilor Luis Marcaida lll, hepe ng komite ng Public Works and Infrastructure ang kalsadang nabanggit ay ilan lamang sa mga kalsada na hiniling ng council ng Sta. Monica na maisaayos ng city government ngunit paglilinaw ng Konsehal ang proyekto ay inilapit sa tanggapan ng Kongresista dahil pasado ito sa mga qualifications para mapondohan ng nasyunal.

โ€œKung mapapansin natin yung isa north road yung isa south road, these two are national highways under the jurisdiction ng DPWH tapos yung new market road is traversing barangay Tiniguiban na nagkokonek ng dalawang national highways so ito po ay pasado doon sa kategory na yun kaya doon natin nirequest kay Congressman Hagedorn.

Dagdag pa ni Marcaida, bagamaโ€™t nailipat na sa barangay Irawan ang terminal mahalaga pa rin na maisaayos ang kalsadang ito dahil ang nabakanteng terminal ay pagtatayuan ng mga government offices at sa barangay San Jose pa rin kumukuha ng special pass.

โ€œMahalaga [na maisaayos] ang kalsada [na ito] kahit sabihin nating nailipat na ang terminal doon sa Irawan alam natin na yung naiwang area dyan sa San Jose ay tatayuan ng mga government offices yung LTO at LTFRB ay narinig natin na magtatayo ng opisina [rรญyan].”

“Kapag sila ay dumaan sa office ng city treasurerโ€ฆ at kumuha ng special pass eventually they will be using the same road kung bababa sila ng bayan, kaya very busy. Maliban doon ‘yung mga nagsho-shortcut, ‘yung iba roon [ay] galing San Jose pupunta ng Sta. Monica isa ”yan sa dinadaanan maliban dito sa kalsada sa interior ng Kaakbayan atsaka [rito sa] Altahomes isa rin po yan sa mga dinadaanan kung ikaw ay magsho-shortcut going to Sta. Monica from Brgy. San Jose o from Sta. Monica going to Tagburos,โ€ paliwanag pa ng Konsehal.


Author