PUERTO PRINCESA CITY — Nagsagawa ng pagsasanay ukol sa Wildlife Enforcement Officer ang ECAN Zone Management and Enforcement Division (EZMED) sa pakikipagtulungan ng Calamianes Resilience Network Inc. (CRN) sa mga bayan ng Coron at Culion nitong mga nakalipas na buwan.
Ayon sa Palawan Council for Sustainable Development, layon ng pagsasanay na magbigay ng mga kinakailangang kasanayan at kaalaman para sa mga Wildlife Enforcement Officer at palakasin ang kanilang mga kakayahan para sa programa ng PCSDS na may kinalaman sa konserbasyon at masayos na maipatupad ang mga batas sa proteksyon at pangangalaga ng mga buhay-ilang.
May kabuuang tatlumpu’t pitong (37) indibidwal mula sa Bantay Gubat ng Busuanga at Coron ang aktibong lumahok sa pagsasanay.
Habang sa Culion, dalawampu’t walong (28) indibidwal mula sa Bantay Gubat ng Barangay Malaking Patag ang nakiisa sa nasabing programa.
Samantala, nagbigay ng mahahalagang kaalaman ang mga resource speaker mula sa iba’t ibang sektor kabilang ang Enforcement and Habitat Sections ng EZMED, Legal Services Section, DMD Calamian, PWRCC, at Coron -MPS.