Ni Vivian R. Bautista
ISANG pagsasanay na inorganisa ng United States Agency for International Development (USAID) – Fish Right Program sa Hue Hotels and Resort, Lungsod ng Puerto Princesa nitong ika- 21 hanggang ika-23 ng Agosto, na dinaluhan ng ilang mga kilalang personalidad gaya nina G. David Lagomasino, East Carolina, at Nygiel B. Armada.
Ang pagsasanay ay patungkol sa Mapping Coastal Habitats gamit ang Satellite Imagery na umano’y magiging instrumento sa pagmamapa ng Palawan Council for Sustainable Development and Staff (PCSDS) sa pamamagitan ng ECAN Zoning, marine and terrestrial delineation, marine habitat at ‘land cover change analysis thru time series change assessment, monitoring ng mga proyekto, at mga proseso sa kaunlaran, at iba pa sa lalawigan ng Palawan.
Naroon din sa kaganapan ang mga kinatawan ng Western Philippines University (WPU), University of the Philippines – Marine Science Institute, University of the Philippines – Department of Geodetic Engineering, University of the Philippines- Institute of Biology, De La Salle University, University of Rhode Island, Bureau of Fisheries and PLOAquatic Resources (BFAR), City Government of Puerto Princesa, Provincial Planning and Development Office, Philippine Space Agency, at PATH Foundation Philippines.
Naging daan ang pagsasanay upang mas mapaigtingin ang mga kaalaman ng mananaliksik at environmental enforcers sa lalawigan sa paggamit ng Satellite imagery (SI) na manaliksik sa karagatan ng bansa gamit ang remote-sensing theories, imagery processing, calibration, validation, at pagtatasa ng pagbabago ng serye ng oras na may Google Earth Engine.
Ang Philippine coastal zone ay tipikal sa mga tropikal na baybayin na mayroong limang (5) pangunahing resource units na nagaganap sa kahabaan ng mababaw na baybayin nito tulad ng coral reef, mangrove ecosystem, beach system, estero at lagoon, at seagrass bed.