Ni Lars Rodriguez

Nagsagawa ng workshop ang Provincial Government Environment and Natural Resources Office at USAID-Sibol sa Lungsod ng Puerto Princesa upang suriin ang mga plano sa pagpapanumbalik ng kagubatan at tanawin sa lalawigan ng Palawan.

Layunin ng pagsusuri na matiyak ang pagsunod sa pambansang polisiya at pagsulong ng mga patakarang angkop sa mga usaping pangkalikasan na kinahaharap ng bawat bayan sa lalawigan.

Nilalayon din ng pagsasanay na alamin ang kasalukuyang plano sa pagpapanumbalik ng kagubatan at likas-yaman, tiyakin ang epektibong implementasyon ng pambansang polisiya, at bumuo ng mga plano para sa hamong pangkalikasan.

Ayon sa ulat, dumalo sa pagsasanay ang mga tauhan at opisyales ng Municipal Environment and Natural Resources Officers, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Nilalayon ng USAID-Sibol na suportahan ang pangangalaga ng kalikasan at pagpapanumbalik ng kagubatan at likas-yaman sa Palawan maging sa buong Pilipinas.

Author