
Pinapawalang-bisa ng Local Government Unit (LGU) ng Barangay San Miguel sa Lungsod ng Puerto Princesa ang kamakailang memorandum order na nag-uutos sa mga establisyemento at workers ng pagsuot ng facemask laban sa kumakalat na Monkey Pox o MPox.
Ipinag-utos ni Barangay Captain Prince Russel T. Gloriani nitong nakalipas na Hunyo 4 ang pagsunod sa minimum public standards kontra sakit na MPox.
“[In line with the newly reported cases of MPOX and as a part of the prevention to any possible spread of the disease in the barangay, you are hereby directed to adhere in the minimum public health standards particularly mandatory wearing of facemask in your workplace effective immediately],” ayon sa memorandum order no. 26 na pirmado ng opisyal.
Dahil dito, nagdulot ng kalituhan sa publiko ang kautusan na kung saan noong Hunyo 5 ay opisyal na binawi ni Gloriani at sinabing ang naunang memorandum ay para lamang sa kanilang mga kawani sa barangay.
Inako naman ng opisyal ang pagkakamali dahil sa maling natanggap na impormasyon nang ilabas niya ang kaniyang kautusan.
Humingi naman ng paumanhin si Gloriani sa naging kalituhan ng kaniyang kautusan.