Photo | Repetek Team

Ang Commission on Human Rights (CHR) at Department of Interior and Local Government (DILG) ay bumuo ng Human Rights Action Center o HRAC at nagsasagawa ng mga pagsasanay at oryentasyon sa pagsusulong ng karapatang pantao.

Sa isinagawang Human Rights Action Center Summit kamakailan sa lungsod ng Puerto Princesa, sinabi ni CHR Chairperson Atty. Richard Palpal-latoc taong 2014 pa sinimulan ang HRAC alinsunod sa Joint Memorandum Circular ng CHR at DILG kung saan nakasaad ang pagtataguyod ng HRAC sa bawat probinsya, siyudad, munisipalidad at barangay ngunit ito ay hindi naging aktibo.

Ang HRAC ay magsisilbing unit sa pagsulong ng karapatang pantao gayundin ang pagtugon sa human rights violation.

“[This time] we are activating and revitalizing yung aming Barangay Human Rights Action Center into a city or municipality level—leading also to human rights city, [ibigsabihin] compliant ka sa human rights principle, ayon sa Komisyuner.

Aniya, mayroong pinirmahan na executive order si Palawan Governor Dennis Socrates hinggil sa pagtataguyod ng Provincial Human Rights Action Center sa Palawan at paghikayat sa bawat munisipyo na magtaguyod ng kahalintulad na action center.

“Layunin ng HRAC ay upang maging referral mechanism ng CHR at LGU sa human rights doon sa grassroots. Through this HRAC, yung LGU at officials ay makakatulong doon sa [pagtugon] sa human rights violations. Kung walang HRAC sa Palawan, ang aming Regional at Provincial Offices ay magiging busy po talaga sa pagprepare ng mga data, sa mga action centers,” dagdag pa nito.

Matatandaan, Pebrero nakaraang taon inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang isang resolusyon na humihikayat sa mga punong barangays na magtaguyod at suportahan ang Barangay Human Rights Action Center sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Samantala, ang Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ay nagpasa rin ng isang ordinansa na nagtataguyod ng Puerto Princesa City Human Rights Action Center at Human Rights Action Team, ito ay iniakda ni City Councilor Luis Marcaida lll.

Ang HRAC ay isa lamang sa hakbang ng CHR upang pagtibayin ang karapatang pantao.

PAGTATAGUYOD NG HUMAN RIGHTS ACTION CENTER, ISINUSULONG NG CHR