Malayang nakipagtalakayan si Former Associate Justice sa mga dumalong Palawenyo sa open forum ng “Voice of Justice for West Philippine Sea” nitong Miyerkules, Nobyembre 20, kung saan tinalakay ng opisyal ang greatest misconceptions ng mga Pilipino at mga maling pahayag ng ilang highly-regarded Filipino officials. PHOTO COURTESY: Provincial Information Office (PIO) Palawan
“Factually, legally, and historically false” ang mga naratibo ng mga Pilipinong public intellectuals kaugnay sa nasasakupang isla at teritoryo ng Pilipinas na anila ay limitado lamang batay sa nilalaman ng 1898 Treaty of Paris sa pagitan ng bansang Espanya at Estados Unidos, ayon kay dating Supreme Court of the Philippines Associate Justice Antonio T. Carpio.
“Some of our public intellectuals have been telling us that the Philippine territory is limited to the islands within the lines of the Treaty of Paris of 1898; islands outside the lines do not belong to us. So, what about Scarborough Shoal? It’s outside, and the entire [Kalayaan Island Group] is outside.
Now, of course, [this] is a misconception. I call it [the] greatest misconception because it is factually, legally, and historically false, and this has emboldened China to claim Scarborough Shoal and the Spratlys because our [sic] people have been saying the Spratlys and the Scarborough Shoal are outside Philippine territory,” ani Carpio.
Nakababahala aniya ang ganitong mga pahayag ng mga highly-regarded officials sapagkat ito ang nagtutulak sa gobyerno ng bansang Tsina na angkinin ang Spratly Islands at Scarborough Shoal na ligal na pagmamay-ari ng Pilipinas.
Iprinisenta ni Carpio ang mga pahayag ni dating Solicitor General Estelito Mendoza na kung saan inihayag nito na ang Kalayaan Island Group o KIG ay napasok sa pagmamay-ari ng Pilipinas nang maisabatas ang Presidential Decree No. 1596 noong Hunyo 11, taong 1978.
Ayon sa dating Associate Justice, sinabi aniya ni Mendoza na kailanma’y hindi bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang mga nabanggit na isla sa West Philippine Sea.
“So, here you are, the former Solicitor General, saying that the KIG never formed part of the Philippine territory until we claimed it on June 11, 1978, if we based our claims starting 1978 only – talo tayo – because China claimed it earlier, and of course, this is false because the KIG has always been a part of Philippines territory since 1734,” ani Carpio.
Ibinahagi rin ni Carpio ang artikulo na sinulat ni dating Ateneo Law School Dean Joaquin Bernas, Jesuit priest and lawyer, noong May 2012 na kung saan sinabi nito na ‘we are claiming land areas that are outside the lines drawn by the Treaty of Paris’ at sinabi pang hindi natin maaaring angkinin ang mga nasabing isla sa ilalim ng Treaty Law bagkus humahanap aniya ng iba pang international law na magsusuporta sa claims ng pamahalaang Pilipinas.
Maliban kina Mendoza at Bernas, napuna rin ni Carpio ang pahayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na sinabi ng dating senador na ‘squatter’ lamang ang Pilipinas sa Scarborough at ‘outside the Treaty of Paris’ ang pag-angkin sa nasabing mga isla.
Inilatag naman ni Carpio ang argumento ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na tatlong treaties ang nagtatakda sa teritoryo ng Pilipinas – ang treaties noong 1898, 1900, at 1930, na kung saan sinasabing lahat ng regulated Philippines’ western boundary line ay hanggang 118 degrees east longitude. Ayon aniya kay Wang Yi, “areas in the west of the 118 degrees east longitude do not belong to the Philippines” gaya aniya ng Nansha [Spratly] Islands na inangkin ng Pilipinas, at Huangyan [Scarborough] Islands, na nasa labas ng 118 degrees east longitude.
Ayon pa kay Justice Carpio, matatawag na misconception ang pahayag ng mga highly regarded Filipino officials dahil aniya ito ay “gravely misled the world, Filipinos and foreigners alike, as to the true extent of Philippine territory” – na nararapat aniyang iwasto ang “dangerous misconception” hinggil sa usapin sa West Philippine Sea.
“We will debunk this now. We start the 1935 Constitution, Section 1 Article 1, it [says] ‘Philippine territory comprises (1) all the territory ceded to the United States by the Treaty of Paris, (2) together with all the islands embraced in the treaty concluded at Washington, (3) treaty concluded between the United States and Great Britain.”
“[So, we agree with Wang Yi that these three treaties define the Philippine territory, but we differ on the content of the treaty],” ani Carpio.
Iprinisenta rin ng dating opisyal ng Korte Suprema ang timeline ng territorial claims na kung saan inilatag nito ang 1734 Murillo Velarde Map na ginamit ng bansang Espanya na makikitang kabilang sa pag-aari ng Pilipinas ang Spratlys at Scarborough, na kabilang din sa 1808 at 1875 opisyal na mapa ng bansa.
Maliban aniya sa bansang Espanya, isinama rin ng bansang France noong 1933 ang Spratlys bilang bahagi ng French Union ngunit inabandona ng Pransiya ang kanilang claims matapos ang World War II. Taong 1939 naman nang makontrol ng bansang Japan ang Spratlys at itinayo ang Itu Aba, isang submarine base, na ginamit sa paglusob at pagsakop sa Pilipinas ngunit ‘withdrawn’ din ang kanilang claims matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Subalit taong 1947 nang magkaroon ng interes ang bansang Tsina na angkinin ang Spratlys.
Iginiit ni Carpio na ang mga nasabing isla at shoal ay matibay na pag-aari ng Pilipinas dahil sa mga mapang ginamit ng bansang Espanya. Sinabi rin ng dating opisyal na peke ang claims ng bansang Tsina.
Samantala, hinikayat naman ni Carpio ang mga Pilipino na magkaroon ng “one common narrative” sa pakikipaglaban sa West Philippine Sea at tuligsain ang anumang maling impormasyon na hindi pag-aari ng bansa ang nasabing mga isla at karagatan.