Ni Marie F. Fulgarinas
PUERTO PRINCESA CITY — Binisita ni House Speaker Martin Ferdinand Romualdez ang Palawan 3rd District Caretaker Office sa Barangay San Jose nabanggit na lungsod nitong Biyernes, Marso 1.
Sa kaparehong araw rin nagsagawa ng pagbasbas ng opisina kasabay ng opisyal na pagbubukas nito.
Si Romualdez ang itinalaga ng kamara bilang legislative caretaker ng ikatlong distrito nang namayapang si Palawan 3rd District Representative Edward Solon Hagedorn nitong Oktubre 3 nakaraang taon.
Binigyang-diin din ng opisyal ang agarang pamamahagi ng tulong at serbisyo sa mga residente ng bayan ng Aborlan at Puerto Princesa na tutungo sa kanilang opisina. Ito ay pinangangasiwaan ni Karl Fernandez Legazpi, Executive Assistant ng Office of the House Speaker.
Samantala, kasama namang bumisita sa nasabing opisina sina ACT-CIS City Representative Erwin Tulfo, City Mayor Lucilo Bayron, Vice Mayor Nancy Socrates, Palawan 2nd District Representative Jose Chavez Alvarez, Vice Governor Leoncio Ola, Board Member Ryan Maminta, at kinatawan ng Unang Distrito ng Palawan.