Ni Ven Marck Botin
NAGSALITA na si 3rd District Rep. Edward Hagedorn na kung saan ay ikinalulungkot niya ang naging desisyon ng Sandiganbayan hinggil sa kasong inihain laban sa kaniya noong taong 2016, ngayong hapon, ika-30 ng Hunyo.
“I want to clarify that while the charge against me pertains to Malversation, this case does not involve taking or misusing public funds. It is about PNP-issued firearms, which I was accused of not returning. However, I maintain my innocence of these charges, and I maintain that I turned these firearms over to the PNP. I firmly believe that the evidence will eventually vindicate me,” ani Hagedorn.
“In my years of public service, I have never enriched myself at the expense of the Filipino people. I steadfastly maintain my innocence of these charges against me,” pagbibigay-diin ng opisyal.
“I will not allow this unfortunate judgment to dampen my faith in the justice system and the rule of law. I will pursue all the available remedies within the moral confines of the law. Thus, the sub judice rule precludes me from speaking further on the merits of this case,” dagdag ng opisyal.
Aniya, habang gumugulong ang usapin ay patuloy niyang gagampanan ang kanyang mga tungkulin na mandato ng konstitusyon.
SANDIGANBAYAN VS. HAGEDORN
‘Convicted’: hatol ng Sandiganbayan laban kay 3rd District Rep. Edward Hagedorn
Hinatulang ‘convicted’ si Dating Puerto Princesa Mayor at ngayo’y Palawan 3rd District Representative Edward Hagedorn dahil sa kasong malversation ng pampublikong ari-arian.
Ang kaso ay nag-ugat sa nawawalang labing-apat (14) na armas noong taong 2013.
Hinatulan si Hagedorn ng dalawa (2) hanggang pitong (7) taong pagkakulong at permanenteng diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.
Tinanggalan din ito ng retirement benefits at pinagbabayad ng Sandiganbayan ng humigit-kumulang 500,000 pesos.