Ni Samuel Macmac
PUERTOPRINCESA CITY — BUMIDA ang ganda ng Entalula beach ng El, Nido Palawan at Bon Bon beach ng Romblon mula sa rehiyong MIMAROPA matapos kilalanin ang mga ito bilang top 4 at top 45 sa 50 Best Beaches sa buong mundo ng worlds50beaches.com.
Nakabatay sa pagboto ng 1,000 travel experts ang pagpili sa listahan ng top 50 best beaches.
“Overlooked slice of heaven” ganito inilarawan ang mala-paraisong ganda ng Entalula Island ng El Nido, Palawan dahil sa nakakamanghang limestone cliffs na nagbibigay ng dramatikong backdrop sa maputi at mabuhanging dalampasigan.
“This beach is less frequented than the others in the area, offering visitors a chance to escape the usual tourist spots and truly immerse themselves in nature. The water is remarkably clear, providing excellent conditions for both swimming and snorkeling, where visitors can explore vibrant coral reefs just a short swim from the shore,” paglalarawan ng travel expert.
“Entalula adds element of adventure and exclusivity to any visit. Its striking natural features and tranquil atmosphere make it a coveted spot for relaxation and appreciating nature.”
Bumilib lalo ang beach ambassador na si Madelein dahil sa tila real-life postcard na ganda ng isla.
“Visiting Entalula Beach is like stepping into a real-life postcard. Imagine white sands and crystal-clear turquoise water framed by lush palm trees and towering limestone cliffs. It’s a true paradise,” aniya.
Hindi naman pahuhuli ang natatanging ganda ng Bon Bon beach mula sa probinsya ng Romblon na kung saan naging paboritong lugar ito sa buong mundo ng beach ambassador na si Jan Bradshaw.
“Just a sandbank out in the stunning water with great views and lush island vibes,” sambit niya.
Bagama’t isang hindi kilalang destinasyon ang Bon Bon island ay napa-ibig naman dito ang mga travel professionals dahil sa kakaiba at nakakarelaks na natural na ganda ng sandbar dito na lumilitaw tuwing low tide, at mapa-ibig sa katahimikan sa isla dahilan para masungkit ang top 45 na puwesto.
“A laid-back paradise, Bon Bon Beach on Romblon Island is admired for its unique natural sandbar that stretches out to Bangug Island. Visible during low tide, this sandbar allows visitors to walk across the shallow, clear waters to the neighboring island.
The beach itself is undeveloped, preserving its serene and unspoiled charm. The sand is fine and white, while the water is incredibly clear, providing lovely swimming conditions without big waves.
As a lesser-known destination, Bon Bon beach offers quiet retreat compared to more tourist-heavy spots, so much so that often you could have this beach all to yourself.”
Samantala, ang Entalula beach at BonBon beach lamang mula sa Pilipinas ang nakapasok sa nasabing listahan.