FILE PHOTO | CHINA NATIONAL SPACE ADMINISTRATION

EL NIDO, Philippines — Naghahanda na ang Armed Forces of the Philippines sa posibleng pagbagsak ng rocket debris ng bansang Tsina sa ilang bahagi ng bansa partikular sa lalawigan ng Palawan at Basilan.

Inalerto ng ahensiya ang mga nabanggit na probinsiya sa posibleng debris ng Long March 8A rocket na nakatakdang ilunsad ang Wenchang Spacecraft Launch Site sa lalawigan ng Hainan, China, ngayong araw, Martes, Pebrero 11.

Nitong Enero 25, naantala ang nakatakdang paglulunsad ng space rocket ng China.

Samantala, bilang paghahanda, nagbabala ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga lugar na posibleng pagbagsakan ng debris.

Narito ang tatlong lugar na inaasahang babagsakan ng mga bahagi ng rocket:

DROP ZONE 1:

N11 54 E116 48

N12 38 E116 14

N12 58 E116 40

N12 14 E117 14

Approximate distance: 85 nautical miles from Rozul Reef;

DROP ZONE 2:

N10 19 E117 52

N11 10 E117 14

N11 13 E117 49

N10 45 E118 28

Approximate distance: 40 nautical miles from Puerto Princesa, Palawan;

DROP ZONE 3:

N06 44 E120 37

N07 36 E119 59

N07 55 E120 26

N07 04 E121 03

Approximate distance: 33 nautical miles from Hadji Muhtamad, Basilan.

Author