PUERTO PRINCESA CITY – Personal na dinaluhan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang ground breaking ceremony ng proyektong Super Health Center (SHC) sa Barangay Alfonso XIII Quezon, Palawan nito lamang Abril 24, 2024. Bilang hepe ng Committee on Health sa Senado, prayoridad ng Senador ang pagtatayo ng mga Super Health Center, Malasakit Center at Regional Specialty Center para mailapit ang serbisyong medikal ng pamahalaan sa taumbayan partikular sa mga mamamayang nakatira sa malalayo at liblib na lugar.
Dumalo sa seremonya sina Mayor Joselito Ayala, Vice Mayor Tabong Caabay at iba pang lokal na opisyales ng pamahalaan.
Ang itatayong SHC sa munisipyo ng Quezon ay isa lamang sa labintatlong (13) itatayo pang SHC sa lalawigan ng Palawan batay sa kumpirmasyon ni Sen. Go.“..Galing po ako sa Quezon [Palawan] para sa [ground breaking ceremony ng] Super Health Center–[ito ay] medium type health center, maraming itatayo sa Palawan. Iba rin po ang Malasakit Center, dyan po kayo magpapakonsulta, dyan po kayo magpapatsek-up sa mga Super Health Center. 13 Super Health Center ang itatayo sa Palawan,” ayon sa Senador.
Ayon sa Senador magtatayo rin ng mga SHC sa Balabac, Taytay, El Nido, Araceli, Narra, Sofronio Espanola, Caruray, Magara, Tumarbong at lungsod ng Puerto Princesa.
Mahigit 600 na mga SHC ang itatayo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
P