Ni Ven Marck Botin
OPISYAL ng idineklara ang lalawigan ng Palawan bilang insurgency-free o malaya mula sa gulong dulot ng makakaliwang grupo, ngayong araw ng Biyernes, ika-1 ng Setyembre.
Pormal nang pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang deklarasyon bilang bahagi ng peace process ng Pamahalaan ng Pilipinas partikular na ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagkamit o pagpapanumbalik ng kapayaan sa mga komunidad sa bansa.
Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng daan ang dating mga miyembro ng makakaliwang grupo na bumalik sa pamahalaan at magkaroon ng malayang pamumuhay.
Sa kabila nito, sinabi rin nina Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. at Dep. of Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy na isa itong hakbang sa kaunlaran ng bansa.