Photo courtesy | TNT PH

INANUNSYO ng Smart Communications Inc., isang telecommunication company sa Pilipinas, na mayroong mga bagong smart cell sites sa lalawigan ng Palawan.

Ayon sa kanilang TNT PH Facebook page, ang mga bagong cell sites ay itinayo sa mga munisipyo ng Roxas, Bataraza, Narra, El Nido (dating Bacuit), San Vicente, Linapacan, Busuanga, Magsaysay, Taytay, Dumaran, Balabac, Quezon, Sofronio Española, Rizal (dating bayan ng Marcos), at Lungsod ng Puerto Princesa.

Sa pamamagitan nito, makatitiyak ang mga users ng mas pinalakas at pinabilis na connection saanmang panig ng lalawigan.

Komento naman ng ilang netizens na sana ay magkaroon na rin ng cell sites sa mga munisipyo ng Bataraza, Brooke’s Point, Busuanga, Cagayancillo, at Culion para sa mas maayos na komunikasyon.

Ayon naman sa TNT PH, patuloy ang pagsusumikap ng kompanya para mapalawak pa ang kanilang coverage sa mga nabanggit na lugar.