PHOTO//PIO PALAWAN

Ni Ven Marck Botin

AYON sa pahayag ng 2023 Second Quarter Survey (PQ2) ng Publicus Asia, Inc. ‘Most Preferred Travel Destination ng mga Pilipino sa bansa ang lalawigan ng Palawan.

Nangunguna ang lalawigan sa ‘Top Travel Destinations preferred by Filipinos’ sa Pilipinas, batay sa inilabas na resulta, nitong Huwebes, ika-29 ng Hunyo 2023.

Ang resulta ay isang independent at non-commissioned survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia, Inc. mula ika-7 hanggang ika-12 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

“Palawan emerged as the most preferred travel destination, with an impressive 23% of respondents expressing their desire to visit the breathtaking province,” ayon sa PQ2.

“Ang isinagawang pag-aaral o survey ay nagpapakita ng mahalagang pananaw ng mga Pilipino hinggil sa kagustuhan o pagpili ng mga ito sa mga lugar sa loob ng bansa na nais nilang puntahan kung saan nanguna ang Palawan gayundin ang pagtatampok sa iba’t ibang naggagandahang rehiyon ng Pilipinas,” saad ng Provincial Information Office (PIO) Palawan.

“Known for its stunning beaches, crystal-clear waters, and rich marine biodiversity, Palawan has captured the hearts of many Filipinos,” dagdag pa ng PQ2.

Kasama rin sa top 5 preferred travel destinations sa bansa ang Lungsod ng Baguio, na sinusundan ng Cebu, Siargao, at Aklan.

“The Department of Tourism (DOT) of the Philippines has reaffirmed its commitment to showcasing the unparalleled beauty and attractions of the country with the launch of its new tagline, ‘LOVE the Philippines’. This new tagline encapsulates the spirit of appreciation and admiration for the diverse landscapes, rich culture, and warm hospitality that the Philippines has to offer,” saad pa ng PQ2.

Ang mga rehistradong Pilipinong botante lamang ang kabilang sa survey sample na isinagawa ng Publicus Asia, Inc.