Photo courtesy | DepEd Palawan

PUERTO PRINCESA CITY, Philippines — Pormal nang nanumpa ang mga guro ng Senior High School nitong ika- 6 ng Nobyembre na ginanap sa Conference Hall ng Schools Division Office (SDO) ng Department of Education (DepEd) Palawan.

Isinagawa ang programa sa pamamagitan ng isang simpleng pagtitipon na dinaluhan ng ilan sa mga pangunahing opisyal mula sa SDO ng lalawigan sa pangunguna ninaSchools Division Superintendent (SDS), Dr. Elsie T. Barrios, Dr. Arnaldo G. Ventura, Officer-in-Charge Assistant Schools Division Superintendent (OIC-ASDS), Administrative Officer V, Isabelita A. Sampayan, at Administrative Officer IV-HRMO, Sheryl B. Lagrada.