Ni Marie F. Fulgarinas

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Handang-handa na ang pambato ng lalawigan ng Palawan sa darating na Miss Universe Philippines (MUP) 2024 — makikita sa larawan si Binibining Raven Hate Doctor na eleganteng-elegante sa kaniyang kasuotan sa isinagawang MUP candidates’ presentation nitong Linggo ng hapon, Pebrero 18.

Kabuuang limampu’t limang (55) kandidata mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at Filipino Communities abroad ang maglalaban upang masungkit ang titulo ng Miss Universe Philippines ngayong taong edisyon.