Ang Department of Health (DOH) Mimaropa katuwang ang iba pang sektor ay bumubuo ng isang plano kung papaano matutuldukan ang kaso ng Malaria sa lalawigan ng Palawan.
Ayon kay DOH-CHD Vector Borne Disease Program Manager Oscar Macam target na maging Malaria-free ang Palawan sa taong 2026.
Aniya, ang Palawan na lamang sa buong Pilipinas ang mayroong kaso ng Malaria.
Kaugnay nito, ang Pilipinas naman ay inaasahang maging Malaria- free sa taong 2030.