Photos Courtesy | Imelda Schweighart/Century Tuna Superbods

Ni Ferds Cuario

PUERTO PRINCESA CITY — Kitang-kita ang balik-alindog na hubog ng katawan ni Ms. Imelda Schweighart sa kanyang pagsali sa pinaka-prestihiyosong Body Beautiful Contest sa bansa, ang Century Tuna Superbods.

Si Schweighart, Filipino-German Palaweña, ay naging Miss Puerto Princesa 2016 at nanalo rin sa parehong taon sa Miss Earth Philippines 2016 at naging representative ng Pilipinas sa Miss Earth.

Taong 2013 naman ng sumali sya sa Binibining Pilipinas, pasok sa Top 15 at nanalo ng special award na Miss PAGCOR.

Samantala, tinanghal naman na Grand Winner Century Tuna Superbods 2024 sina Justine Felizarta at Jether Palomo.

Ginanap ang nasabing kompetisyon kahapon, Hulyo 9, sa Manila Marriott Hotel. Kasama sa nagtanghal kagabi ang Century Tuna Ambassador ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Author