Masayang ibinahagi ni John Lloyd Cabalo ang kaniyang pagpirma ng kontrata sa isang company sa Pilipinas bilang Brand Ambassador ngayong araw, Miyerkules, Pebrero 19.
Aniya, isa ito sa mga pangarap niya noong bata pa siya na kung saan nagkatotoo na.
“Sobrang saya lang po pangarap ko lang dati, it was a big privilege for me. Thankful and blessed always,” ani Caballo.
Isang simpleng batang Palaweño si Caballo na may pangarap sa buhay—mula sa paglalako ng banana que hangang sa pagiging batang atleta—ay mapalad na nabigyan ng College Scholarship ng National University at maging athlete sa track and field.
Mensahe ni Caballo sa kaniyang mga kapuwa kabataan lalo na mga Palaweño, “[tuluy-tuloy] lang po ‘wag mawalan ng [pag-asa] sa buhay at mangarap [nang] mangarap hanggang [ma-achieve] ito, [s]amahan lang lagi ng dasal.”