PHOTO | REPETEK NEWS TEAM

Ni Clea Faye G. Cahayag

SA darating na Agosto 17 at 18 bubuksan na ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) ang pagbibigay ng libreng medical consultation sa mga miyembro nito at kanilang pamilya.

Ito ay magsisimula ng 1:00 ng hapon hanggang 3:00 ng hapon at gaganapin sa mismong main office ng Paleco.

Ayon sa kooperatiba, ang unang sampung (10) pasyente na makakapagpalista ang tatanggapin sa bawat araw na nabanggit.

Tuwing araw ng Huwebes ang konsultasyon ay para sa ENT cases at tuwing Biyernes naman ay para sa pediatric cases.

Tuwing araw naman ng Miyerkules, simula ika-23 ng Agosto ay tatanggap naman ng OBGYN cases ang Paleco.

Ito ay bukas para sa mga miyembro ng Paleco kung saan nakapangalan sa kanila ang koneksyon ng kuryente at maging sa kanilang asawa at anak. Kung single naman ang mismong miyembro, maaaring magpakonsulta ang kanyang mga magulang. Magdala lamang ng Birth Certificate, Marriage Certificate at valid government ID.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng Social Development Plan ng Palawan Electric Cooperative para sa taong 2023 at ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Paleco sa Palawan Medical Society.