Ngayong Martes, ika-16 ng Hulyo, ay ilulunsad sa lungsod ng Puerto Princesa ang payment app na Paleng-QR PH Plus. Layunin ng paglulunsad na paigtingin ang financial inclusion at paggamit nito sa iba’t ibang mga negosyo at establisyimento sa nabanggit na lungsod.
Unang ipinakilala ang Paleng-QR Ph Plus sa iba’t ibang siyudad at munisipyo sa Pilipinas noong taong 2022. Ito ay magkatuwang na binuo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pagsusulong ng digital payments sa pamamagitan ng cashless payments sa mga pampublikong pamilihang bayan at transportasyon partikular sa mga tricycle.