Photo courtesy | Palawan State University

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY – Naglabas ng ‘advisory’ ang Palawan State University (PalSU) sa isasagawang “Mandatory Drug Testing” sa lahat ng mga estudyante para sa ikalawang semestre ng School Year 2023-2024.

Nakasaad sa advisory ng pamantasan sa ilalim ng Memorandum Order No. 18 series of 2018 at bilang pagtalima na rin sa mandato ng Commission on Higher Education (CHED) at Palawan State University (PSU) Board of Regents Resolution No. 212 series of 2019, ang lahat ng estudyante ay ‘required’ na sumailalim sa mandatory drug testing.

“This shall be one of the requirements for admission and retention for the 2nd semester of SY 2023-2024.

This may be done through any accredited drug testing center affiliated with the Dangerous Drug Board of the Philippines,” nilalaman ng advisory.

Author