Photo courtesy | Larz Rodriguez
Muling pinarangalan ang lungsod ng Puerto Princesa bilang pagkilala sa “outstanding performance in promoting excellent, infrastructure governance and meaningful change, accelerating the growth of resilient, communities and building the foundation of all matatag, maginhawa at panatag na buhay for all Filipinos”.
Ito ay personal na tinanggap ni City Mayor Lucilo R. Bayron pagkatapos ng flag raising ceremony ng pamahalaang panlungsod kaninang umaga, Lunes, Disyembre 16.
Maliban dito, pinarangalan din ang academy for women’s entrepreneurs ng lungsod sa katauhan nina Precious Denise Araez Pable at Mary Grace Flores na parehong alumna ng Palawan State University na iginawad ng The Academy for Women’s Entrepreneurs sa pakikipagtulungan ng US Embassy in partnership with American corner.
Samantala, tumanggap din ng pagkilala ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) para sa kanilang “continuous support in the program of academy for women’s entrepreneurs”.