Ni Marie F. Fulgarinas
PALAWAN, Philippines — Mahigpit na kinokondena ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpatay kay broadcaster Juan Jumalon o mas kilala bilang si “Johnny Walker” nitong umaga ng Linggo, Nobyembre 5, 2023.
Ayon sa pangulo, ang ganitong pag-atake sa mga mamamahayag ay wala umanong lugar sa isang demokratikong bansa kaya’t inaatasan nito ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang mahuli at mapanagot ang sinumang nasa likod ng pagpatay sa brodkaster.
Samantala, nagpaabot naman ang pangulo ng pakikiramay sa pamilya at kaanak ng namayapang brodkaster.
Aniya, makakaasa umano ang publiko sa masusing pagtutok na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Jumalon.