Photo | Repetek

SHOWBIZ BALITA | Kinoronahang Miss Universe Philippines Palawan 2024 si Puerto Princesa Representative Jamaica V. Long nitong gabi ng Miyerkoles, Pebrero 28.

Si Long ay 19-year-old Nursing Student ng Holy Trinity University na umuwi ng tumataginting na P300K cash prize at isang milyong piso ng (P1-M) halaga ng Subdivision Lot.

Siya rin ang magiging kinatawan ng lalawigan ng Palawan sa Miss Universe Philippines sa susunod na taon.

Minsan ding naging pambato ng lalawigan si Long sa national stage ng Binibining Silka 2023.

Itinanghal namang Runners Up sina Bb. Sunshine Talite Llaniguez ng Sta. Monica National High School, Princess Julie Caabay ng bayan ng San Vicente, Brookeโ€™s Point Representative Judy Ann Dagohoy, at Jamie Reyno ng bayan ng Aborlan.

Samantala, Chairwoman ng MUPh Palawan 2024 Selection Committee si Palaweรฑa Beauty Queen at Miss Grand International 2020 First Runner Samantha Mae Bernardo.