Photo courtesy | DSWD
Tumanggap ang bawat pamilya ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng BJMP-Puerto Princesa City Jail (PPCJ)-Male Dormitory (MD) ng tag-limanlibong piso (P5,000.00) mula sa Ayuda para sa Kapos Ang kita Program (AKAP) na magsisilbing pantustos sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.
Ito ay matagumpay naisagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) SWADT Palawan.
Layunin ng programa na mabigyan ng sapat na pagkain ang mga pamilya ng PDL at masiguro na sila ay tatanggap ng suporta mula sa parehong pribado at pampublikong sektor.
Ang nasabing tulong ay nakatuon sa pagtugon sa kanilang mga pangunahing pangangailangan at magkaloob ng pinansyal na suporta sa mga minimum wage earners na kabilang sa low-income group na dumaranas ng matinding hamon sa ekonomiya.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ni Jail Senior Inspector Alcel U. Bandiola, Acting City Jail Warden ng PPCJ-MD sa ilalim ng gabay ni Jail Senior Superintendent Clarence E. Mayangao, BJMP-MIMAROPA Regional Director.
Sa likod ng mga rehas at malamlam na ilaw ng silid, ipinadama ng gobyerno ang pagmamahal at pagkalinga para sa mga bilanggo ng city jail, pati na rin sa kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng AKAP Program.