PUERTO PRINCESA CITY — Masayang isinagawa nitong Agosto 21 ang Pamilya ng Pulis Day (PNP) na ginanap sa Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Facade area sa Brgy. San Pedro nabanggit na lungsod.
Ito ay pinangunahan ni Police Coronel (PCol) Ronie S. Bacuel, City Director ng nasabing ahensya, kasama ang mga tauhan ng opisina pati na ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.
Masayang nagsalu-salo sa hapunan ang mga kapulisan kasama ang kanilang pamilya. Nagkaroon din ng pagtatanghal gaya ng pagsasayaw at pag-awit na ipinamalas para sa mga magigiting kapulisan ng lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon sa tanggapan, layunin ng aktibidad na isulong ang pakikipagkaibigan at mapabuti ang kapakanan ng mga tauhan ng Philippine National Police at kani-kanilang mga pamilya.
Kasabay rin ng kaganapan ang isang taus-pusong programang ‘Salamat Kapatid’ upang bigyang pagpupugay si Police Captain Victoria Carmen C. Iquin, na mandatoryong nagretiro sa serbisyo.