(Kuhang larawan/Facebook/Jemuel Santos Gabinete)
PUERTO PRINCESA CITY – Agad nirespondehan ang isang pampublikong van na naiulat na nag-self crash at mahulog sa isang sapa sa bahagi ng Purok 05, Barangay Tagumpay sa bayan ng Roxas, Palawan, dakong alas 2:00 nang hapon, Miyerkules, Enero 03.
Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRM) Roxas Operation Center, labindalawa (12) ang mga pasaherong lulan ng van at dalawang (2) driver. Dalawa (2) rito ang nagtamo ng ‘minor injuries’ na agad namang nilapatan ng paunang lunas mula sa mga rumespondeng kawani ng Palawan Rescue.
Sa ngayon, ligtas nang nakabalik sa lungsod ng Puerto Princesa ang mga lulang banyaga ng naturang van.
Ang nasabing pampasaherong van na may plate number na TP-046009 ay minamaneho umano ni Ginoong Christopher Empig.
Samantala, sa inisyal na ulat kahapon, nag self-crash ang naturang sasakyan dahil umano sa madulas na bahagi ng kalsada bunsod ng pag-ulan sa lugar. (Photos/PIO Palawan) | via Marie Fulgarinas
Para sa unang detalye, basahin sa link na ito: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=817356233736641&id=100063868150859&mibextid=Nif5oz