PHOTO || GE CAABAY

Ni Ven Marck Botin

HINDI lang produktong niyog ang ipinagmamalaki ng bayan ng Brookeโ€™s Point, Palawan, mayroon silang Pandan Mat Weaving Center na nagbibigay-kita sa mga kababaehan ng Jama Mapun sa Bgy. Oring-Oring.

Sa Facebook post, ibinahagi ni Ge Caabay ang mga larawan kung saan tampok ang mga kababaehang Jama Mapun na abala sa paghahabi o paggawa ng mga banig, wall dรฉcor, bag, Passport Holder, placemat, at planner holder.

“Experience the intricate art of weaving pandan mats with the Jama Mapun Women, and don’t forget to buy their colorful crafts as souvenirs,” saad nito sa kaniyang Facebook post.

Dagdag ni Caabay, available ang mga produktong ito Tourist Information Center ng nabanggit na bayan sa bahaging Sur ng Palawan.