Photo Courtesy | City Information Department of Puerto Princesa City

PALAWAN, Philippines — LABIS ang pasasalamat ng mga benepisyaryong Person with Disabilities (PWDs) matapos tuparin ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa ang kanilang pangarap na magkaroon ng ‘prosthetics legs’.

Anila, mararanasan na nilang muli ang makapaglakad gaya ng isang normal na indibidwal dagdag pa rito ang malaking kaginhawaan sa kanilang pamumuhay.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ng Person with Disability Affairs Office (PDAO) at Social Welfare and Development Team (SWADT) sa ilalim ng PWD Assistance Program kung saan binigyan ng prothetics legs ang pitong (7) benepisyaryong PWDs na kinabibilangan nina Jover Romina, Antonio Abayon, Jeriel Bernardo, Severo Jesus dela Cruz, Melanie Bacosa, Julio Magbanua at May Cańedo.

Para naman masuportahan ang kanilang pang araw-araw na gastusin ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Lucilo Bayron ay mayroong programa na nagbibigay ng allowance sa mga pwd sa Puerto Princesa.