Ni Marie F. Fulgarinas
PUERTO PRINCESA CITY — Kalaboso ang dalawang (2) kalalakihan matapos maaktuhang nagbebenta ng balintong o pangolin sa Purok Maligaya, Barangay Magara, bayan ng Roxas, Palawan, nitong Marso 24, 2024.
Sa ikinasang operasyon ng 2nd Special Operations Unit ng Philippine National Police (PNP) Maritime, Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), at Roxas Municipal Police Station, kalaboso ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust entrapment sa kahabaan ng Bgy. Magara.
Ayon pa sa mga awtoridad, residente ng Barangay San Pedro, Lungsod ng Puerto Princesa, ang dalawang suspek na ‘caught in the act’ habang nagbebenta ng dalawang balintong nitong Linggo, bandang bandang 12:10 nang tanghali.
“The apprehended individuals were charged for violation of Section 27 paragraph E (Wildlife Trading) and paragraph F (Possessing of Wildlife) under R.A. 9147 known as the “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”. Said individuals failed to present pertinent documents from concerned agencies,” pagbabahagi ng tanggapan ng Palawan Maritime Pulis SOU II sa social media.