Photo courtesy | Board Member Ryan Maminta

PUERTO PRINCESA — Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan nitong nakalipas na Oktubre 8 ang Provincial Ordinance No. 3531 o “Ordinance Granting Tax Amnesty on Real Property Taxes and Special Levies on Real Property Covering Penalties, Surcharges, and Interest from all unpaid RPT….” na inakda ni Second District Board Member Ryan D. Maminta.

“Ang bisa po ng tax amnesty ay dalawang taon o simula ngayong taon hanggang 2026. Samantalang ang sakop na mga unpaid obligations sa RPT ay mga taon bago ang 2023,” pahayag ni Maminta sa kaniyang Facebook page.

Isinaad din ng bokal na ang pangunahing misyon ng nasabing panukala ay tulungan ang mga nagbabayad ng buwis at mapahusay ang sistemang pagbubuwis sa mga ari-ariang ‘di natitinag sa lalawigan ng Palawan.

Aniya, inaasahan ang “mabisa, epektibo at magaling na pagpapatupad” ng ordinansa upang mas mapakinabangan ng mga Palaweño at lokal na pamahalaan ng Palawan.

Author