Photo courtesy | PIO – Palawan
PUERTO PRINCESA CITY — Sa press conference nitong Disyembre 13 sa Canvas Hotel, tinalakay ang isasagawang Paragua SanVic 2nd Surfing Competion na gaganapin sa Barangay Alimanguan, Bayan ng San Vicente, Palawan.
Sisimulan ang paligsahan sa Enero 30 hanggang ika-4 ng Pebrero sa taong 2024.
Mayroon itong apat (4) na kategorya na kinabibilangan ng Men’s Shortboard Open, Men’s Longboard Open, Women’s Longboard Open, at Junior’s Longboard Open.
Layon ng nasabing paligsahan na maisama ito sa mga tourist attractions sa Palawan at mahikayat din ang mga Palaweno surfers na lalo pang paghusayin ang kanilang galing sa larangan ng surfing.
Inaasahan din na sa pamamagitan ng sports na ito mas lalo pang maakit ang mga turista na tumungo sa nabanggit na bayan upang kanilang masilayan ang iba pang tourist attraction sa lugar na makatutulong sa kabuhayan ng mga residente.
Ang aktibidad na ito ay isinusulong sa pangunguna ng Local Government Unit (LGU) ng San Vicente sa pakikipagtulungan ng United Tourism Enterprise Association (UNITEA) na kung saan ay bukas ito sa lahat ng surfers na nais lumahok sa naturang paligsahan.
Sa mga nais lumahok, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa makikitang link sa ibaba para sa iba pang anunsiyo.
https://www.facebook.com/sanvicsurf
Ayon sa LGU San Vicente, handa na umano ang kanilang bayan sa posibleng pagdagsa ng mga turista na para sa gaganaping paligsahan.
Samantala, ang press conference ay dinaluhan ng mga lokal na mamamahayag, at ng ilang personalidad na kinabibilangan nina Lazuli Beach Resort Owner Ino Habana, Head of Palawan Surfing Association Malic Mangotara, SanVic Municipal Tourism Officer Lucy Panagsagan, Tournament Director Mike Oida, President of Katang Surfers League Queny Seblano, Palawan Surfing Delegate James Betia, at Co-Founders of Katang Surf Benliro at Myles Tan, batay sa ulat ng PIO-Palawan.