PHOTO || MUNICIPALITY OF ABORLAN

Ni Clea Faye G. Cahayag

NAG-ORGANISA ng Stress Management and Understanding Behavior for Intervention and Psycho education Training for Parents Handling Person with Mentally Challenge ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng bayan ng Aborlan, Palawan.

Ang dalawang (2) araw na pagsasanay ay isinagawa nitong Hulyo 20 at 21 sa Municipal Gender And Development (GAD) Building, Ramon Magsaysay ng naturang bayan na may temang “Person with Disabilities Accessibility and Rights Towards a Sustainable Future where No One Left Behind.”

Ayon sa ibinahaging impormasyon ng lokal na pamahalaan, ito ay dinaluhan ng 40 magulang at mga tumatayong guardians ng mga “mentally challenge individuals” mula sa iba’t ibang barangay ng Aborlan.

Ang mga partisipante ay nagbahagi rin ng kani-kanilang karanasan at mga ginagawang paggabay sa mga miyembro ng pamilya na “mentally challenged”.

Pinangasiwaan naman ni Dr. Maria Arlin Josue, Chief of Hospital at Ms. Joy Labtis – Jebulan, Philippine Mental Health Association Executive Manager, ang aktibidad kung saan pangunahing pinag-usapan ang mga topiko na may kinalaman sa Understanding Mental Health, Types of Stress and its Causes, Understanding Depression, Stress Management Strategies for Parents and Guardians.

Ang aktibidad na ito ay alinsabay sa pagdiriwang ng ika-45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week.

Bago naman magtapos ang programa ay nagkaroon ng talent contest at parlor games.