PUERTO PRINCESA CITY — Matagumpay na nailigtas ng Coast Guard Sub-Station Sibaltan ang walong (8) kataong sakay ng isang papalubog na bangka sa katubigang sakop ng Sitio Sabang, Brgy. Batas, nabanggit na bayan, nitong Marso 10.
Batay sa ulat ng CGSS-Sibaltan, agad nagsagawa ng Search and Rescue Operations ang kanilang ahensya makaraang makatanggap ng impormasyon nitong umaga ng Linggo na mayroong distressed na BR Cullen sa nasabing katubigan.
Inilipat ng SAR team ang mga pasahero at inihatid ang mga ito sa pinakamalapit na baybayin ng Sitio Sabang.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon, umalis umano ang motorbanca mula Brgy. Sibaltan, El Nido, Palawan, lulan ang walong katao kabilang ang mga tripulante at kapitan patungong sa Sitio Sabang nang makaranas ng masamang panahon na naging dahilan ng paglubog ng motorbanca.