PUERTO PRINCESA CITY – Pinarangalan bilang Most Outstanding Provincial Cooperative Office 2023 sa buong MIMAROPA ang tanggapan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) Palawan bilang pagkilala sa taunang Gawad Parangal Awards, kamakailan.

Iginawad ng tanggapan ng Cooperative Development Authority (CDA) ang parangal sa nabanggit na tanggapan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Victorino Dennis M. Socrates.

Pinarangalan din bilang 2023 Regional Winner for Outstanding Local Government Unit (LGU) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan dahil sa maigting nitong suporta sa mga programang pangkooperatiba.

“It was a humbling experience for us to be given recognition by the Cooperative Development Authority -Regional Office. The accomplishments that we had would not have been possible without the executive and legislative support that was afforded to us in the Provincial Government,” ani Provincial Cooperative Development (PCD) Officer Gina S. Socrates.

Ayon sa tanggapan ng Provincial Information Office (PIO), marami pa umanong naisakatuparan ang nasabing tanggapan noong taong 2023 isa na rito ang paglulunsad ng kauna-unahang Laboratory Cooperative sa Palawan na kung tawagin ay KOOP BATA na naitatag sa mga bayan ng Bataraza at San Vicente, Palawan.

Naging host din ang Pamahalaang Panlalawigan sa 11th National Tripartite Conference for Cooperative Development sa unang pagkakataon na kung saan ay Kumita ng 1.7 milyong piso ang mga kooperatiba at single proprietorship exhibitors sa loob lamang ng dalawang (2) araw matapos na magsagawa ng Coop Trade Fair sa nasabing aktibidad.

Dagdag pa rito, nakapagkaloob din ang PCDO ng tulong pinansyal bilang puhunan sa iba’t ibang kooperatiba sa lalawigan sa pamamagitan ng Credit Assistance Program noong taong 2023 at marami pang iba.

“In this year 2024, we look forward to a better year ahead of us. We will strive to improve and find ways to be innovative in our ways of serving the people particularly the cooperatives in Palawan. We will continue to have a positive outlook that together we can do great, looking forward to a year of more partnerships and hard work,” dagdag pa ni Socrates.