Bilang bahagi ng Community Service Program, nagsagawa ng feeding program, gift-giving, at nagkaloob ng portable speaker ang mga tauhan ng BRP Cape Engaño (MRRV-4411) at BRP Malapascua (MRRV-4403) sa mga mag-aaral ng Buliluyan Daycare Center noong ika-3 ng Enero, taong 2025.
Layunin ng aktibidad na suportahan ang lokal na komunidad sa pamamagitan ng pagtataguyod ng edukasyon, pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Philippine Coast Guard at komunidad na pinaglilingkuran nito.
Ang kaganapan ay isinagawa sa
Crystal Child Development Center sa Buliluyan, Bataraza, Palawan, kung saan dinaluhan ito ng mga guro, magulang, at kanilang mga anak.
Hindi maitago ng mga magulang, guro at mga batang mag-aaral ang saya sa kanilang munting regalong natanggap mula sa PCG lalo pa’t nagkaroon din sa kaganapan ng pagpapakain sa mga bata, at handog na donasyong portable speaker upang mapahusay ng daycare center ang mga aktibidad sa pagtuturo at pagkatuto ng mga batang mag-aaral.