PHOTO || PCSD

Ni Vivian R. Bautista

ISANG pagpupulong na inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Busuanga, Palawan ang dinaluhan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) – District Management Division (DMD) na ginanap nitong ika-21 ng Hulyo 2023.

Tinalakay sa nasabing kaganapan ang patungkol sa Sectoral Planning Workshop (SPW) para sa Infrastructure, Institutional, and Environment Sectors.

Ito aynaging isang mahalagangpagpupulong para sa mga kinauukulan upang tiyakin at pag-usapan ang mga ‘prospective’ na mga proyekto sa pagpapanatili ng kapaligiran at mga inisyatiba para sa coastal at terrestrial resources sa rehiyon gaya ng mangrove nurseries, fish ports, barangay health centers, at iba pa, ayon sa ulat ng ahensya.

Ang mga paunang inisyatiba na ito ay nakatakdang maisakatuparan sa pamamagitan ng Local Development Investment Program (LDIP), na tinitiyak ang responsable at maayos na pag-unlad ng lugar.