Ni Vivian R. Bautista
ANG Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) District Management Division (DMD)- Calamian ay nagkaloob ng mga panayam sa isinagawang member-mentoring ng Municipal Agriculture Office (MAO) of Culion para sa mga miyembro ng Barangay Fisheries and Aquatic Resources Management Council (BFARMC) na ginanap sa Barangay Hall ng Barangay Binudac, Culion, Palawan.
Layon ng nasabing kaganapan na palawakin at palalimin ang pagpapatibay ng mga regulasyon sa pangisdaan sa munisipalidad ng Culion.
Dahil dito, tinalakay ng PCSDS sa mga miyembro ng BFARMC ang ukol sa Republic Act (RA) No. 10654, ang Philippine Fisheries Code of 1998; RA No. 9147, Wildlife Resources Conservation and Protection Act; RA No. 7611, Strategic Environment Plan for Palawan Act; PCSD Administrative Order No. 5; at Administrative Order No. 12.
Binigyang-diin din ng mentoring activity ang mga pagsisikap ng BFARMC at ng mga local government units ng Culion para sa holistic na kapakanan ng mga pangisdaan ng munisipyo na makakamit sa pamamagitan ng pagtutulungan at partisipasyon ng pribado at pampublikong sektor sa nasabing bayan.
Ang PCSD at mga kawani nito ay mga tagapagpatupad ng Republic Act No. 7611, o ang Strategic Environmental Plan para sa Palawan Law para sa napapanatiling kaunlaran sa lalawigan, batay sa inilabas na impormasyon ng PCSD.
Sinusuportahan din ng nasabing Act ang pagtataguyod ng mga layunin ng napapanatiling pag-unlad para sa mga lalawigan sa pamamagitan ng wastong pag-iingat, paggamit, at pagpapaunlad ng mga likas na yaman.