Ni Vivian R. Bautista

ANG Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) sa pamamagitan ng ECAN Education and Extension Division (EEED) at DMD South, sa pakikipagtulungan ng SM City Puerto Princesa ay nagsagawa ng Information, Education, Communication (IEC) campaign na ginanap sa SM City Puerto Princesa nitong ika-22 ng Setyembre, 2023.

Ilang paksa ang tinalakay sa nasabing kaganapan kagaya na lamang ng Republic Act No. 7611 (SEP Law) isang batas ukol sa estratehikong plano sa kapaligiran para sa Palawan, paglikha ng administrative machinery para sa implementasyon nito, pag-convert ng Palawan Integrated Area Development Project office sa support staff nito, pagkakaloob ng pondo at iba pang gamit para dito; Republic Act No. 9147 (Wildlife Resources and Conservation Act) ay naging isa sa mga proteksyon para sa mga buhay ilang sa munisipyo laban sa mga illegal poachers; Republic Act No. 9175 (Chainsaw Act of 2002) ang sinumang tao na mapatunayang may hawak na chain saw at gumamit nito sa pagputol ng mga puno at troso sa kagubatan o sa iba pang lugar maliban kung pinahihintulutan ng Departamento ay paparusahan ng pagkakulong o pagmumultahin ito; at PCSD Administrative Order No. 5 o ang “Guidelines for the Regulation and Monitoring of Catching, Culture, Trade, Transport and Export of Reef-Fish-For-Food in Palawan.

Layon ng kaganapan na mabigyan ng maaasahan at tumpak na impormasyon ang mga miyembro ng komunidad sa tulong ng local government units na may pangunahing papel patungkol dito, ayon sa Facebook post ng PCSD.