PHOTO | PCSDS
LUMAHOK ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) sa isang pagsasanay ukol sa Marine Protected Area (PMA) Network Capacitation nitong ika-12 at 13 ng Setyembre, 2023.
Ang kaganapan ay nakasentro umano sa kasalukuyang katayuan ng lahat ng MPA sa lalawigan ng Palawan, naging plataporma din ito para sa mga tagapamahala ng MPA na ibigay ang kanilang pinakamahuhusay na kagawian sa konserbasyon at proteksyon ng MPA.
Layon din nito na mapahusay ang pamamahala ng Marine Protected Areas (PMA) sa Palawan.
Ang aktibidad ay nakasentro sa kasalukuyang katayuan ng lahat ng MPA sa Palawan na inorganisa ng Office of the Provincial Agriculturist sa pakikipagtulungan ng USAID Fish Right at World Wildlife Fund (WWF) Philippines.
Natutunan din ng PCSDS ang paggamit ng ilang mga kagamitan sa pagtatasa sa pagtiyak ng pagganap ng MPA/Ns, gaya ng Management Effectiveness Assessment Tool (MEAT); Network Effectiveness Assessment Tool (NEAT); at Socio-economic Assessment Tool (SEAT).
Maaari din umano itong gamitin ng PCSDS sa kanilang Environmentally Critical Areas Network (ECAN) Coastal Zoning sa Palawan.
Bukod sa PCSDS, ang kaganapan ay dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa Municipal Agriculture Officers (MAOs); Municipal Planning and Development Coordinators (MPDCs); Mga tagapamahala ng Marine Protected Areas; Mga Technician ng Pangisdaan; PG-ENRO; Mga kagawad ng Sangguniang Bayan; Office of the Provincial Agriculturist (OPA); at mula sa Environmental Legal Assistance Center (ELAC), at iba pa