Photo courtesy | PIO Palawan
Inilunsad ng Pamahaalaang Panlalawigan para SPS Alay sa Kabataan Scholars ang Food Product Training nitong araw ng Miyerkules, Disyembre 11, na ginanap sa Centennial Pavilion ng kapitolyo.
Ibinida rito ang iba’t ibang produktong pagkain gaya ng Taro Chips, Banana Chips, Coco Jam, Pineapple Marmalade, Coco Bar, Bukayo, Alamang sweet at spicy, Buko Pie, Pineapple Pie, Tocino, Ham, Longganisa, dried Miki at fresh at iba pa.
Ang tatlumpu’t dalawang (32) mga iskolar at benepisyaryo mula sa iba’t ibang munisipyo sa bahaging sur ng lalawigan ay sumasailalim sa 90-araw na Agriculture Livelihood Development Technology sa Bonsay Agricultural Farm na ginaganap sa Brgy. Inogbong, munisipyo ng Bataraza.
Ang mga iskolar ay nagsimula noong buwan ng Oktubre at inaasahang magtatapos sa Pebrero 2025.
Layunin ng pagsasanay na matulungan ang mga TechVoc scholars at ang Bonsay Agricultural Farm na maipakilala ang kanilang mga produkto na maaaring mapagkakitaan ng mga ito at makatulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay, ayon kay SPS Alay sa Kabataan Program Manager Ma. Victoria B. Baaco.
Nagpaabot naman ng pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan si Engr. Rex Ordas, Farm Administrator ng Bonsay Agricultural Farm, dahil sa ibinigay na pagkakataong ng sa kanila ng Pamahalaang Panlalawigan na maging katuwang sa pagtataguyod ng edukasyon sa larangan ng agrikultura at maging sentro ng pagsasanay ng mga TechVoc scholars sa lalawigan ng Palawan.
“Thank you so much po sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, together with the Sangguniang Panlalawigan para po i-grant ang program na ito sa Bonsay Farm. Kami po sa Bonsay Farm ay thankful masyado, at inaalagaan po namin ang aming mga scholars with quality, technical and educational training,” ani Engr. Ordas.
Dumalo rin si Provincial Agriculturist Dr. Romeo Cabungcal sa isinagawang aktbidad bilang kinatawan ni Gobernador Dennis M. Socrates kasama ang ilang kawani ng kapitolyo at tinangkilik ang mga produkto ng mga kabataan.