Ni Vivian R. Bautista
SA ginanap na regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong ika-4 ng Hulyo taong kasalukuyan, nais ni Board Member Marivic H. Roxas, Chairperson ng Committee on Health and Social Services, na mas paigtingin pa ang mga programa at hakbangin ng Pamahalaang Panlalawigan patungkol sa pagsugpo ng sakit na dengue sa lalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng Provincial Health Office o PHO.
Sa privilege speech ni Roxas, nakakaalarma ang bahagyang pagtaas ng kaso ng dengue sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan kung kaya’t nararapat lamang na magpatupad ng preventive measures, magkaroon ng komprehensibong mga programa kabilang na ang pagsasagawa ng malawakang public health awareness lalo na sa mga paaralan, mga komunidad, at mga lugar na pinagtatrabahuhan.
Ito ay upang bigyang babala ang publiko kung ano ang mga nararapat gawin kung paano mapupuksa at maiiwasan ang mga lamok na nagiging sanhi o may dalang dengue.
“To effectively combat dengue, we must adopt a comprehensive and multifaceted approach. Let us take significant actions against the growing threat of dengue in our beloved province of Palawan by implementing preventive measures, promoting public health awareness, enhancing healthcare infrastructures and supporting research initiatives. We can create a future where our citizens are free from the burden of dengue. Together, let us develop and promote a path toward a healthier and more prosperous Palawan,” ani BM Roxas.
Panawagan din ni BM Roxas na magkaroon ng collaborative efforts at makipagtulungan sa pamahalaan ang publiko, local LGUs, mga barangay at pati narin ang mga non-government organizations at stakeholders na magkaroon ng collaborative efforts at pakikipagtulungan sa pamahalaan upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng naturang sakit.
“Collaboration and coordination among various stakeholders are vital. We must work hand in hand with local government units, barangay officials, and non-government organizations to implement effective vector control programs. This includes regular cleaning, monitoring, and surveillance of mosquito populations and enforcing regulations on proper waste management and water storage practices.”
Samantala, iminungkahi rin ni BM Roseller S. Pineda na kabilang sa ipatatawag ang mga kinatawan ng Northern Palawan Provincial Hospital (NPPH) at Rural Health Unit (RHU ng bayan ng Taytay na kung saan nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng sakit na dengue sa lalawigan.
Hiniling din ni BM Roxas na imbitahan sa komite ang PHO sa pamumuno ni Dra. Faye Erika Q. Labrador upang malaman ang mga hakbang ng kanilang tanggapan ukol sa sakit na dengue sa Palawan, base sa ibinahaging impormasyon ng PIO.