Pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang programa para sa mga solo parents sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Mayroonng mahigit walunlibong (8,000) mga solo parents ang tinututukan ng kapitolyo upang matiyak ang mga pangangailangan at karapatan ng mga ito.
Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Office Officer Abigail D. Ablaña, ang pag-amyenda sa batas para sa solo parents ay naglalayong isulong at palawakin ang mga benepisyo na tinatanggap ng ma benepisyaryo gayundin ng kanilang mga pamilya.
“Kami ay patuloy na nakikilahok sa mga capacity building activities ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siya namang ating kina-cascade to our MLGUs kasama ang ating mga partners mula sa iba’t ibang provincial government and non-government agencies,” ani Ablaña.
Samantala, nagsasagawa rin ng technical assistance ang mga kawani ng PSWDO, gayundin ang psychosocial support, stress management at parenting sa pamamagitan ng mga orientation alinsunod sa Batas Republika 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act.