PALAWAN, Pihilippines — Ginanap sa Edward Hagedorn Coliseum ang tatlong araw na Philippine Councilors League (PCL) 2nd Quarter Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) mula ika-19 hanggang ika-21 ng ngayong buwan ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Dumalo sa aktibidad si Karl “Koko” F. Legazpi, Executive Assistant for Special Concerns ng Opisina ni House Speaker Martin Romualdez na Legislative Caretaker ng Ikauna at Ikatlong Distrito ng Palawan.

Ipinarating ni Legazpi ang mensahe at suporta ni House Speaker Romualdez sa hangaring pagbutihin ang pamumuno ng bawat konsehal sa bansa upang mas mapabuti ng mga ito ang kanilang serbisyo sa pamayananang Pilipino.

Samantala, dumalo naman sa welcome program ng kaganapan sina Palawan Governor Victorino Dennis M. Socrates at PCL National Chairman Atty. Raul Corro,, at iba pang mga opisyales.