(Photos/AFP WESCOM) | via #RepetekNews

PALAWAN, Philippines — Nagsanib-puwersa ang mga tauhan ng Philippine Marine Corps (PMC) ng Western Command (WESCOM) joint operational area at United States Marine Corps (USMC) para sa “Kaagapay ng mga Mandirigma mula sa Dagat” o “Cooperation of the Warriors of the Sea” (KAMANDAG) Exercise na nagsimula nitong Nobyembre 9 na magtatagal naman hanggang petsa 20 sa Camp Rodulfo Punsalang at iba pang bahagi ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Ang 7th KAMANDAG training ay nakabuo ng kabuuang 2,703 miyembro mula sa iba’t ibang bansa na kung saan ang pagsasanay ay naglalayong pahusayin ang pakikipagtulungan at interoperability ng mga kalahok.

Aabot sa tatlundaang (300) marino mula sa Pilipinas at bansang Estados Unidos ang aktibong nakilahok sa iba’t ibang pinagsamang interoperability training na nagpamalas ng kanilang pambihirang taktikal na operasyo.

Sa unang pagkakataon, lumahok sa pagsasanay ang mga kinatawan ng Japan Ground Self-Defense Force (JGSDF), Republic of Korea Marine Corps (ROKMC), at United Kingdom (UK) Armed Forces ayon sa ahensya.

“For joint training endeavors here at WESCOM, the primary focus area will be on Coastal Defense Training (CDT). This training event will involve Small Unmanned Aerial Systems and simulation exercises on Radar Sensing, and Tracking”, ani Captain Princess Jude PN(M), Public Affairs Officer of the 3rd Marine Brigade, isa sa pangunahing contingent ng KAMANDAG sa probinsya ng Palawan.

“Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) operations and other medical-related training endeavors will also be practiced extensively to ensure efficient coordination during crisis situations” dagdag pa niya.

Ang KAMANDAG ay nagsisilbi umanong testamento sa walang hanggang alyansa sa pagitan ng Philippine Marine Corps at ng United States Marine Corps. Itinatampok din sa nasabing ehersisyo ang lumalagong kooperasyon sa pagitan ng mga internasyunal na ka-partner na nagpapaunlad ng pag-unawa sa isa’t isa at pakikipagkaibigan.

(Photos/AFP WESCOM) | via #RepetekNews

Authors