Photo courtesy | BJMP

MASUSING siniyasat ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) District Jail ang mga selda ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) kamakailan.

Matagumpay na isinagawa ang Oplan Greyhound Operation sa nasabing bilangguan katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Municipal Fire Station Brooke’s Point, Palawan.

Ang nasabing operasyon ay regular na isinasagawa bilang bahagi ng kampanya ng BJMP na patuloy na linisin ang kanilang pasilidad at suportahan ang kampanya ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Drug Demand Reduction na BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) program.

Sa labas ng kanilang selda, pinasandal at kinapkapan ang mga PDL, at isa-isa rin sinuri ang mga plastic containers na pinaglalagyan ng kanilang damit maging ang bareta ng sabon na nakabalot pa ng plastik ay hindi rin pinalagpas sa isinagawang inspeksyon.

Layunin ng aktibidad na masiguro ang bawat sulok ng pasilidad ay ligtas at malaya sa anumang anyo ng kontrabando partikular na ang mga iligal na droga, improvised weapons, at mga communication devices na maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan ng ng mga PDL at mga tauhan ng BJMP.

Sa pamamagitan ng masusing frisking at paghahanap sa mga personal na gamit ng mga PDLs, tiniyak ng operasyon na walang makakalusot na ipinagbabawal na gamit sa loob ng piitan.

Author