PUERTO PRINCESA, Palawan — Pinagkalooban ng tulong ang dalawampung (20) samahan ng mga mangingisda mula sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan ng Palawan na nilaanan ng pondong aabot sa P287,585.00.
Ang ipinamahaging tulong na mga Bottom-Set Gillnets, ay magagamit umano ng mga benepisyaryo sa kanilang pangingisda.
Layunin ng proyektong ito na mapababa ang poverty incidence sa mga komunidad at maipadama ang pagpapahalaga sa mga mangingisda sa lalawigan.
Naisakatuparan ito sa pangunguna ng Livelihood Project Management Unit (LPMU) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na ipinamahagi noong ikalawang kwarter ng taon.
Ilan sa mga naging benepisyaryong asosasyon y kinabibilangan ng New Guinlo Fisherfolks Association
Bgy. New Guinlo, Taytay; Bantulan Fisherfolks Association Bgy. Bantulan, Taytay; San Fernando Fisherfolks Association; Bgy. San Fernando, El Nido; Pagkakaisa Suramping Fisherfolks Association mula sa Bgy. Culasian, Rizal; Riverside Fisherfolks Association ng Bgy. Culasian, Rizal; Associations of United Fishermen in Campung-Ulay, Bgy. Campung-Ulay, Rizal; Panitian Fisherfolks Association, Bgy. Panitian, Quezon; Masipag Fisherfolks Association, Bgy. Panitian, Quezon; Maasin Fisherfolks Association, Bgy. Maasin, Brooke’s Point; Calasaguen Shore Fisherfolks Asso. Bgy. Calasaguen, Brooke’s Point; Ipilan Fisherfolks Association, Bgy. Ipilan, Brooke’s Point; Mandaragat Fisherfolks Association, Bgy. Barong-Barong, Brooke’s Pt.; Sitio Aplaya Fisherfolks Association, Bgy. Malis, Brooke’s Point; Burangisan Fisherfolks Association, Bgy. Salogon, Brooke’s Point; Buligay Fisherfolks Association, Bgy. Pob. District 1, Brooke’s Pt.; Pangobilian Fisherfolks Association, Bgy. Pangobilian, Brooke’s Point; Sumbiling Biyayang Dagat Fisherfolks Association, Bgy. Sumbiling, Bataraza; Taratak Fisherfolks Association, Bgy. Taratak, Bataraza; Masigasig Fisherfolks Association, Bgy. Puring, Bataraza; at Bono-Bono Fisherfolks Association, ng bayan ng Bataraza, Palawan.
Ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo, makikinabang umano dito ang nasa 285 na pamilya na katumbas ng 1,140 na indibidwal.